TEKSTONG PROSIDYURAL

 


Ano ba ang Tekstong Prosidyural?

    Ang Tekstong Prosidyural ay uri ng paglalahad na kadalasan ay nagbibigay ng impormasyon at instruksyon kung paano isinasagawa ang isang tiyak na bagay. Nagbibigay din ito ng panuto o direksyon kung paano gagawin ang isang bagay. 

Ang Tekstong Prosidyural ay binubuo ng mga panuto upang masundan ang mga hakbang ng isang proseso sa paggawa ng isang bagay.

May mga elemento ang Tekstong Prosidyural:
  • Layunin ng May Akda - Makakapagbigay ng sunod-sunod na direksyon at impormasyon sa mga tao upang matagumpay na maisagawa ang mga gawain ng ligtas at angkop sa mga alituntunin.
  • Pangunahing Ideya - Ito ang magbibigay linaw na kung saan ito ang nilalaman ng isang teksto upang malaman ng mga tao kung ano at para saan ito.
  • Mga Estilo - Ito ang masining na pamamaraan ng pagsulat na kung saan ginagamit upang mas mahikayat ang mga tao na bumasa ng iyong teksto.
  • Paggamit ng Larawang Pangpresentasyon Ito ang nagbibigay buhay at kulay sa isang teksto upang mas mahikayat ang mga mambabasa na tapusing basahin. Nakakatulong din ito upang bigyan ideya ang isang tao sa kanyang gagawin.
  • Pagbibigay Diin sa Mahalagang TekstoNakakatulong upang mas mapadali makita ang mga dapat at hindi dapat gawin, ito ang magsisilbing direksyon kung ano ang dapat isaalang-alang sa mga gawain.
  • Pagsulat ng TalasanggunianMakakatulong ito upang mas pagkatiwalaan ang iyong teksto , ito ang magsisilbing ebidensya na tama ang mga nilalaman ng iyong teksto.
May apat na bahagi ang Tekstong Prosidyural:
  • Inaasahan o Target na awtput - kung ano ang kakalabasan o kakahantungan ng proyekto ng prosidyur.
  • Mga Kagamitan - ang mga kasangkapan at kagamitan na kinakailangan upang makumpleto ang isinasagawang proyekto. 
  • Metodo - serye ng mga hakbang na isinasagawa upang mabuo ang proyekto.
  • Ebalwasyon - naglalaman ng mga pamamaraan kung paano masusukat ang tagumpay ng prosyur na isinagawa.
Iba't ibang uri ng Tekstong Prosidyural:
  • Paraan ng pagluluto (Recipes) - ito ang pinakakaraniwang uri ng Tekstong Prosidyural. Nagbibigay ito ng panuto sa mambabasa at maaari rin irong maglaman ng mga larawan.
  • Panuto (Instructions) - gumagabay sa mga mambabasa kung paano maisagawa o likhain ang isang bagay.
  • Panuntunan sa mga laro (Rules for Games) - nagbibigay sa mga manlalaro ng gabay na dapat nilang sundin.
  • Manwal - nagbibigay ng kaalaman kung paano gamitin, paganahin, at patakbuhin ang isang bagay. Karaniwan itong nakikita sa mga bagay na may kuryente tulad ng computers o appliances.
  • Mga eksperimento - Karaniwang nagsasagawa ng eksperimento na siyensiya kaya naman kailangang maisulat ito sa madaling intindihin na wika para matiyak ang kaligtasan ng magsasagawa ng gawain.
  • Pagbibigay ng direksyon - mahalagang magbigay ng malinaw na direksyon para makarating sa nais na direksyon ang ating ginagabayan.
Mga paalala sa pagsulat ng Tekstong Prosidyural:
  • Mahalagang unawain at alamin kung sino ang nakikinig o nagbabasa ng teksto upang madesisyonan kung anong uri ng antas at wika ang gagamitin.
  • Mahalaga rin na gamitin ang heading, subheading, numero, dayagram at mga larawan upang maging malinaw ang paglalahad ng panuto.
  • Nakapokus sa pangkalahatan at hindi sa isang tao lamang.
  • Paggamit ng malinaw na pang-ugnay at cohesive device upang ipakita ang pagkakasunod-sunod at ugnayan ng mga bahagi ng teksto.
  • Mahalaga ang detalyado at tiyak na deskripsyon.

Comments

Popular Posts