WASTONG GAMIT NG GITLING (-)
GITLING
maikling guhit na inilalagay sa pagitan ng dalawang pantig na pinaghahati, sa pagitan ng tambalang salita, o sa dalawang salitáng pinagkakabit.
Wastong Gamit ng Gitling (-):
1. Sa pag-uulit ng salitang-ugat o mahigit sa isang pantig ng salitang-ugat.
Halimbawa:
araw-araw
dala-dalawa
isa-isa
pulang-pula
balu-baluktot
2. Kung ang unlapi ay nagtatapos sa katinig at ang salitang nilalapian ay nagsisimula sa patinig na kapag hindi ginigitlingan ay nagkakaroon ng ibang kahulugan.
Halimbawa:
mag-alis
nag-isa
nag-ulat
mag-asawa
pag-aaruga
3. Kapag may katagang nawawala sa pagitan ng dalawang salitang pinagsama.
Halimbawa:
Pamatay ng insekto -> pamatay-insekto
Lakad at takbo -> lakad-takbo
Bahay na aliwan -> bahay-aliwan
Dalagang tagabukid -> dalagang-bukid
4. Kapag may unlapi ang tanging ngalan ng tao, lugar, brand o tatak ng isang bagay o kagamitan, sagisag o simbulo. Ang tanging ngalan ay walang pagbabago sa ispeling.
Halimbawa:
Maka-Diyos
Maka-Pilipino
Taga-Manila
Taga-Visayas
Sa pag-uulit ng unang pantig ng tanging ngalang may unlapi, ang gitling ay nalilipat sapagitan ng inulit na unang pantig ng tanging ngalan at ng buong tanging ngalan.
Halimbawa:
Mag-Johnson -> magjo-Johnson
Mag-Ford -> magfo-Ford
5. Kapag ang panlaping ika- ay iniunlapi sa numero o tambilang.
Halimbawa:
ika-25 pahina
ika-8 na buwan
ika-10 ng gabi
ika-25 na anibersaryo
6. Kapag isinulat nang patitik ang mga yunit ng fraksyon.
Halimbawa:
isang-kapat (1/4)
lima’t dalawang-kalima (5 2/5)
tatlong-kanim (3/6)
7. Kapag pinagkakabit o pinagsasama ang apelyido ng babae at ng kanyang asawa.
Halimbawa:
Sabrina Cruz-Arce
8. Kapag hinati ang isang salita sa dulo ng isang linya.
Ginagamit ito sa pagsasanay ng wastong pagbigkas ng mga salita.
Comments
Post a Comment