TEKSTONG IMPORMATIBO

 


Isa sa mga layunin natin sa pagbabasa ay para matuto at magkaroon ng bagong kaalaman. May isang uri ng teksto na naglalayong magbigay ng impormasyon. Ito ang Tekstong Impormatibo.

Tekstong Impormatibo
  • akdang nagbibigay ng impormasyon, kaalaman, at paliwanag tungkol sa isang tao, bagay, lugar, hayop, o pangyayari.
  • napapaunlad nito ang iba pang kasanayang pangwika gaya ng pagbabasa, pagtatala, pagtukoy ng mga mahahalagang detalye at pagpapakahulugan ng mga impormasyon.
  • kadalasang tono ng tekstong ito ay obhetibo.

Karaniwang makikita o mababasa ang mga tekstong impormatibo sa mga babasahin tulad ng: 

  • biyograpiya
  • diksyunaryo
  • encyclopedia
  • almanac
  • research paper
  • siyentipikong pagsulat
  • balita sa diyaryo


May mga uri rin ito:

a. Sanhi/Bunga - pagkakaugnay-ugnay ng mga pangyayari at ang kinalabasan na naging resulta ng unang pangyayari.

b. Paghahambing at Pagkontrast - ang mga teksto na nasa ganitong estruktura ay nagpapakita ng pagkakatulad at pagkakaiba ng anumang bagay o konsepto.

c. Pagbibigay depinisyon - paliwanag ng kahulugan ng salita, konsepto, o termino.

May dalawang paraan ito:

  1. Denotatibo/formal - mula sa diksyunaryo
  2. Konotatibo/informal - opinyon o sariling pagkakaintindi

d. Palilista ng klasipikasyon - paghahati-hati ng isang malaking paksa


Tatlong kakayahan ng tekstong impormatibo:

  1. pagpapagana ng imbak na kaalaman
  2. pagbuo ng hinuha
  3. pagkakaroon ng mga mayamang karanasan


Comments

Popular Posts