IDYOMA
Ang saliwakain o idyoma ay isang matalinhagang pagpapahayag ng isang ideya. Malayo ito sa komposisyonal na paliwanag ng isang ideya kung kaya’t ito ay itinuturing na hindi tuwirang pagbibigay kahulugan.
Narito ang ilan sa mga halimbawa ng idyoma at ang kahulugan ng bawat isa:
- ilaw ng tahanan – ina
- haligi ng tahanan – ama
- bukas ang palad – matulungin
- taingang kawali – nagbibingi-bingihan
- buwayang lubog – taksil sa kapwa
- malaki ang ulo – mayabang
- pantay na ang mga paa – patay na
- maitim ang budhi – tuso
- kapilas ng buhay – asawa
- bahag ang buntot – duwag
- balat-sibuyas – mabilis masaktan
- kusang-palo – sariling sipag
- usad pagong – mabagal kumilos
- itaga sa bato – ilagay sa isip
- may bulsa sa balat – kuripot
- ibaon sa hukay – kalimutan
- pagsunog sa kilay – pag-aaral ng mabuti
- nakalutang sa ulap – sobrang saya
Kung ang mga ito ay gagamitin mo sa pangungusap:
- Naiinis si Marie sa kanyang kapatid dahil sila ay nahuli sa kanilang lakad dahil ang kapatid niya ay usad pagong.
- Kilala na bukas ang palad ng pamilyang Villanueva sa kanilang lugar.
- Balat-sibuyas si Anna kaya hindi siya masyadong binibiro ng kanyang mga kaibigan.
- Dahil may bulsa sa balat, si Antonio ay dumidiretso na sa bahay pagkatapos ng klase.
- Si Kristina ay may taingang-kawali tuwing inuutusan siya ng kanyang magulang.
Comments
Post a Comment