WASTONG PAGGAMIT NG NANG AT NG


 
Isa sa mga nakakalitong gamitin sa isang pangungusap ay ang “Nang” o “Ng” dahil halos magkasing tunog ang dalawang salitang ito. Paano nga ba ito dapat gamitin? Ating talakayin ang pagkakaiba nito

Ginagamit ang NG:

- kasunod ng pang-uring pamilang. 
  Halimbawa nito ay: Si Rio ay bumili ng apat na baso para sa kanilang bagong bahay. Ang salitang ‘ng’ ay tumutukoy sa pagbilang o bilang ng isa o higit isang bagay.

- sa mga pangngalan.
  Halimbawa nito ay: Pumunta ng paaralan ang estudyante.

- upang magsaad ng pagmamay-ari.
  Halimbawa nito ay: Ang puso ng mga madadaling umasa ay madaling masaktan.

- kung ang sinusundan na salita ay pang-uri.
  Halimbawa nito ay: Bumili ng magandang sapatos ang babae para ibigay sa kanyang kasintahan.

- bilang pananda sa gumaganap na pandiwa.
  Halimbawa nito ay: Binigay ng guro ang pagsusulit para sa araw na iyon.


Ginagamit ang NANG:

- sa gitna ng mga pandiwang inuulit.
  Halimbawa nito ay: Aral nang aral si Sancho para sa kanilang pagsusulit.

- pampalit sa ‘na’ at ‘ang’, ‘na’ at ‘ng’, at ‘na at na’.
  Halimbawa nito ay:

Gabi nang dumating Jessica sa bahay.” (Gabi ‘na ng’ dumating si Jesica sa bahay.)
“Sobra nang pagkamasayahin ni Amela” (Sobra ‘na ang’ pagkamasayahin ni Amela.)
“Hayaan mo nang kunin niya yung mga gamit niya.” (Hayaan mo na na kunin niya ang gamit niya.).

- upang magsaad ng dahilan o kilos.
  Halimbawa nito ay: Nag-aral nang mabuti si Simon.

- bilang paghalili sa ‘noong’.
  Halimbawa nito ay: “Nang mainlab ako sa’yo akala ko pag-ibig mo ay tunay.”


Comments

Popular Posts