TULA
Ano ba ang TULA?
Ang TULA ay anyo ng sining o panitikan na naglalayong maipahayag ang damdamin sa malayang pagsusulat. Ang tula ay binubuo ng tinatawag na taludtod at saknong.
Mge elemento ng tula:
- Sukat - bilang ng pantig ng bawat taludtod na bumubuo sa isang saknong. ang pantig ay paraan ng pagbasa. Halimbawa: isda - is da — ito ay may dalawang pantig
Mga uri ng sukat:
Wawaluhin:
Isda ko sa Mariveles
Nasa loob ang kaliskis
Labindalawahin:
Ang laki sa layaw karaniwa’y hubad
Sa bait at muni, sa hatol ay salat
Lalabing-anim:
Sari-saring bungangkahoy, hinog na at matatamis
Ang naroon sa loobang may bakod pa sa paligid
Lalabingwaluhin:
Tumutubong mga palay, gulay, at maraming mga bagay
Naroon din sa loobang may bakod pang kahoy na malabay
- Saknong - isang grupo sa loob ng isang tula na may dalawa o maraming linya (taludtod). Ang couplets (2 linya), tercets (3 linya), at quatrains (4 linya), ang madalas na ginagamit sa mga tula.
- Tugma - hindi akin ng mga akda sa tuluyan. kapag ang huling pantig ng huling salita ng bawat taludtod ay magkakasintunog, ito ay may tugma. ito ay nakatutulong sa pagpapaganda sa pagbigkas ng tula.
Mga uri ng tugma:
Hindi buong rima o assonance - pagtutugma ng tunog na kung saan ang salita ay nagtatapos sa patinig.
Halimbawa:
Mahirap sumaya
Ang taong may sala
Kapagka ang tao sa saya’y nagawi
Minsa’y nalilimot ang wastong ugali
Kaanyuan o consonance - ang salita ay nagtatapos sa katinig
a. unang lipon, mga salitang nagtatapos sa — b, k, d, g, p, s, t
Halimbawa:
Malungkot balikan ang taong lumipas
Nang siya sa sinta ay kinapos-palad
b. ikalawang lipon, mga nagtatapos sa — l, m, n, ng, r, w, y
Halimbawa:
Sapupo ang noo ng kaliwang kamay
Ni hindi matingnan ang sikat ng araw
- Kariktan - upang masiyahan ang mambabasa at mapukaw ang damdamin at kawilihan.
- Talinghaga - paggamit ng matatalinhagang salita at tayutay. ang tayutay ay paggamit ng pagtutulad, pagwawangis, at pagtatao upang ilantad ang talinghaga sa tula.
- Anyo - ito ay ang porma ng tula
- Tono/Indayog - ang diwa ng tula
- Persona - ang nagsasalita sa tula; una, ikalawa, o ikatlong panauhan.
Comments
Post a Comment