TEKSTONG ARGUMENTATIBO
Tekstong Argumentatibo
Narinig niyo na ba ang katagang “Kapag nasa katwiran ka, ipaglaban mo!” kahit isang beses sa inyong buhay?
Ano ba ang kahulugan ng tekstong argumentatibo?
> Ang tekstong argumentatibo ay isang uri ng akdang naglalayong mapatunayan ang katotohanan ng ipinahahayag at ipatanggap sa bumabasa ang katotohanang iyon.
> Naglalahad ito ng mga posisyong umiiral na kaugnayan ng mga proposisyon na nangangailangan ng pagtalunan o pagpapaliwanagan.
Ano naman ang layunin ng tekstong argumentatibo?
> Hikayatin ang mga tagapakinig na tanggapin ang kawastuhan ng kanilang pananalig o paniniwala sa pamamagitan ng makatwiran na pagpapahayag.
Mga bahagi ng tekstong argumentatibo
- Panimula - nakikita dito ang mismong dahilan kung bakit sinusulat at binabasa ang teksto. ang ihanda ang mga mambabasa at makuha ang atensyon at damdamin nila ang layunin nito.
- Katawan - magsisilbi itong dahilan ng mga mambabasa upang mapanatiling tapat matapos ang isang mabisang simula at kung papalarin ay nakatutok pa rin sa bawat mensaheng nakasaad hanggang sa pagwawakas. kailangang maayos na maihanay ang mga argumento at katwiran at maipaliwanag ang mga ito.
> tandaan: ang bawat katuwiran ay kailangan masuportahan ng mga ebidensya, datos o istatiska, pahayag ng mga awtoridad o di kaya’y kolaboratib na pahayag mula sa aklat sa mga magazine, diyaryo, at iba pang mapagkakatiwalaang reperensya.
- Wakas/Konklusyon - ang sinumang maaaring may taliwas na opinyon ay tinitiyak na makukumbinsi ng manunulat. dapat ito ay tuwiran, payak, mariin, mabisa at malinaw.
Mga uri ng tekstong argumentatibo
Puna
> nag-uugnay ng mga bagay at mga ideya sa pansariling pag-iisip, paniniwala, tradisyon, at pagpapahalaga.
Sayantific
> tiyak na sistemang karunungan at pag-iisip upang ang kinalabasang proposisyon ay mahinuha o mapatunayan.
Mga elemento ng pangangatuwiran
Proposisyon
> pahayag na inilalahad upang pagtalunan o pag-usapan.
Argumento
> paglalatag ng mga dahilan at ebidensya upang maging makatuwiran ang isang panig. malalim na pananaliksik at talas ng pagsusuri sa proposisyon ang kailangan upang makapagbigay ng mahusay na argumento.
Iba’t ibang paraan sa paghahanda ng pangangatuwiran
- Analisis
- Sanhi at Bunga
- Pangangatwirang Pabuod
- Pangangatwirang Pasaklaw
Katangian at nilalaman ng mahusay na tekstong argumentatibo
> mahalaga at napapanahon na paksa.
> maikli ngunit malaman at malinaw na pagtukoy sa tesis.
> malinaw at lohikal na transisyon sa pagitan ng mga bahagi ng teksto.
> maayos na pagkakasunod-sunod ng talatang naglalaman ng mga ebidensya ng argumento.
> may matibay na ebidensya para sa argumento.
Comments
Post a Comment