PAGHINUHA AT PAGHULA SA KALALABASAN NG PANGYAYARI

 



Ang kasanayan sa pag-unawa upang makapagbigay ng hinuha at hula ay mahalaga sa pagbasa ng isang teksto. Kapat nauunawaan ang nilalaman ng teksto ay lubos mauunawaan ang mga detalye, at madaling makapagbibigay ng sariling hinuha at hula ang mambabasa tungkol sa tekstong binasa batay sa kung paano ito nauunawaan.

Ano ang paghinula at paghula?

Ang hinuha o palagay o implikasyon ay halos nagbibigay ng iisang kahulugan.  Ito ay palatandaan o pahiwatig. Epektibong maipapahayag kung gagamitin ang mga panandang: siguro, marahil, baka, waring, tila, sa aking palagay, sa tingin ko, maaaring, at iba pa.

Paghuhula o Prediksyon

Ang paghula ay isang kasanayang naglalayong hulaan ang kalalabasan ng pangyayari o kuwento. Madalas itong gamitin sa pagbabasa ng kuwento o nobela. Ang may-akda o manunulat ang nagbibigay ng implikasyon o mga pahiwatig sa akda na bumuo ng paghuhula o prediksyon ang mga mambabasa.

Comments

Popular Posts