PAGBUO NG LAGOM AT KONGKLUSYON
Pagbuo ng Lagom o Konglusyon
Lagom
Ang lagom o buod ang itinuturing na pinakapayak na anyo ng paglalahad o diskurso. Ito ay hindi sulating orihinal o hindi kailangang maging sariling akda. Wala kang isasamang sarili mong opinyon o palagay tungkol sa paksa. Isinasaad dito kung ano ang nasa teksto. Kailangang panatilihin ang mga binanggit na katotohanan o mga puntong binigyang-diin ng may-akda.
Pamantayan sa Pagsulat ng Lagom
- Basahing mabuti ang buong akda upang makuha at maunawaang mabuti ang buong diwa at panggitnang kaisipan nito.
- Tukuyin ang pangunahing kaisipan at mga pamumuno o katulong na kaisipan.
- Isulat ang buod sa paraang madaling unawain ng mambabasa.
- Hindi dapat lumayo sa diwa at estilo ng orihinal na akda.
- Gumamit ng sarili mong pananalita base sa naunawaan sa akda.
Kongklusyon
Ang kongklusyon ay ang pagbibigay-diin sa mga ideya na inilahad sa kabuuan ng tekstong ibinuod o nilagom.
Pamantayan sa Pagbuo ng Kongklusyon
Ang pagbuo ng kongklusyon ay isang paraan ng pangangatwirang ibinatay sa resulta ng pagmamasid ng mga tiyak na pangyayari o kaisipan. Ang katumpakan ng kongklusyon ay depende sa bilang at kaangkupan ng mga ebidensyang sumusuporta rito. Maaaring ang mga ebidensya ay resulta ng karanasan, pananaliksik, pagmamasid at pagbabasa o interbyu.
.png)
Comments
Post a Comment