PAGBIBIGAY INTERPRETASYON SA GRAP, TSART, AT IBA PANG BISWAL

 

Ang grap, tsart, at iba pang biswal ay mga grapikong pantulong upang madaling maunawaan at nagagawang payak ang mga datos na inilalahad sa isang teksto. Kapaki-pakinabang ang mga ito para sa isang mananaliksik sapagkat malinaw at siyentipiko niyang natatalakay ang kanyang paksa.

Mga Paraan ng Pagbibigay-Interpretasyon
  • Basahin at unawain ang pamagat at sab-seksyon ng teksto upang matukoy ang layunin nito.
  • Unawain ang legend at scales na ginamit.
  • Tingnan kung ang grap ay mayroong nakasaad na mga tala sa paligid, itaas o ibabang bahagi. Tuklasin ang mga kahulugan nito batay sa legend.
  • Ang bawat bahagi ay dapat suriing mabuti.

Grap
Ang grap ay mauuri sa sumusunod: (a) larawang grap, (b) linyang grap, (c) bar grap, at (d) bilog na grap.

a. Larawang Grap

Ang pictograph o larawang grap ay ginagamit sa paglalarawan ng dami ng produksiyon, halaga ng nabenta o nabili at madami pang iba na sa halip na gumamit ng bilang ay tinutumbasan ito ng larawang may katumbas na bilang, dami o budget. 


b. Linyang Grap

Ang talangguhit o linyang grap ay ginagamit upang ipakita ang iba’t-ibang impormasyon at datos sa pamamagitan ng paggamit ng mga linya. Ito ay ginamagamit upang ipakita ang pagtaas at pagbaba ng datos sa magkaibang panahon o pangyayari.


c. Bar Grap

Ang bar graph ay ginagamit sa pagpapakita ng relasyon ng datos sa pana-panahon tulad ng dami ng nabenta kung pangangalakal ang pag-uusapan.


b. Bilog na Grap

Ito’y sumusukat at naghahambing ng mga datos o impormasyon sa pamamagitan ng paghahati-hati nito.


Tsart
Ang tsart ay nagpapakita ng dami o estruktura ng isang sistema sa pamamagitan ng hanay batay sa hinihingi o ibibigay na impormasyon.

a. Tsart ng Organisasyon


b.
Flow Tsart


Mapa
Ang mapa ay naglalarawan ng lokasyon, hugis at distansya. Ito ay nakatutulong sa pagbibigay direksyon dahil ito ay may mga palatandaan ng lokasyon ng isang lugar.

Uri ng pagpapaliwanag ang pagbibigay ng direksyon. Nangangailangan ito ng katiyakan, kapayakan at kaliwanagan. Kailangan din ang maliwanag
 na pagkakasunod-sunod ng mga hakbang na kailangang sundin.













Comments

Popular Posts