PAGBABALANGKAS
Ano ba ang BALANGKAS?
Ang balangkas ay plano na nakasulat na nagpapakita ng mga bahagi na bubuo sa isang teksto. Nalalaman natin kung ano ano ba ang mga pangunahing ideya at suportang ideya.
Ano-ano ang mga layunin ng PAGBABALANGKAS?
- Maorganisa ang mga ideya
- matukoy ang mahahalagang detalye
- makita ang ugnayan sa isa’t isa ng mga ideya
- malaman kung anong bahagi ang tatatanggalin kung kinakailangan
- mapabilis ang proseso ng pagsulat
- hindi maligaw sa pagsusulat
May tatlong uri ang balangkas. Ang mga ito ay:
- Pamaksang balangkas - binubuo ng salita o parirala.
- Pangungusap na balangkas - pagtukoy sa mga pangunahin at suportang ideya. binubuo ito ng mga buong pangungusap.
- Patalatang balangkas - natutukoy hindi lamang. ang mga pangunahin at suportang ideya, kundi ang mga pantulong na detalye.
Narito naman ang mga paraan sa pag-aayos ng paksa:
- Pag-organisa nito ayon sa panahon - maaaring ayos kronolohikal. Karaniwan na ginagamit kung may kaugnayan ang paksa sa paglalahad ng kasaysayan.
- Paraang lohikal - nakaayons ang paksa ayon sa mga ugnayan ng mga ipinapahayag na ideya. Ginagamit ito sa pagpapaliwanag ng konsepto.
- Ayon sa kahalagahan ng mga ideya - inuuna ang mga mahahalagang ideya kaysa sa mga di-gaanong mahalaga.
Mga pormat ng balangkas
Ang pormat ng balangkas ay maaaring magtaglay ng dalawa o tatlong lebel depende sa pangangailangan. Kapag kailangan lamang tukuyin ang pangkalahatang estruktura ng susulating teksto, angkop ang balangkas na may dalawang lebel. Angkop naman ang balangkas na may tatlong lebel kapag kailangan namg matukoy ang mga detalyeng susuporta sa mga ideya.
Dalawang Lebel
Pamagat
Tesis na Pangungusap
A. Pangunahing Ideya
a. Suportang Ideya
b. Suportang Ideya
B. Pangunahing Ideya
a. Suportang Ideya
b. Suportang Ideya
C. Pangunahing Ideya
a. Suportang Ideya
b. Suportang Ideya
Tatlong Lebel
Pamagat
Tesis ng Pangungusap
- Pangunahing Ideya
A. Suportang Ideya
a. Detalye
b. Detalye
B. Suportang Ideya
a. Detalye
b. Detalye
- Pangunahing Ideya
A. Suportang Idey
a. Detalye
b. Detalye
B. Suportang Ideya
a. Detalye
b. Detalye
Mga prinsipyo sa pagbabalangkas:
- Iwasan ang paggamit ng simula, katawan, at wakas sa pagbabalangkas.
- Ang mga ideyang ilalagay sa bahaging I, II, III, ay mga pangunahing ideya lamang.
- Parallel ang mga ideya.
- Maging konsistent sa paggamit ng mga bantas. Mahalaga ang konsistensi sa pagbabalangkas.
- Hindi dapat bitin ang mga bahagi ng balangkas.
Mga hakbang sa pagbabalangkas
- Ayusin ang tesis na pangungusap.
- Isaayos at ilista ang mga pangunahing ideya.
- Tiyakin ang kaayusan ng mga ideya.
- Desisyunan ang uri ng balangkas at lebel nito.
- Isaayos ang pormat.
Comments
Post a Comment