MGA BATAYANG KAALAMAN SA PAGSULAT




Ano ang PAGSULAT

  • pagsasalin sa papel o sa anumang materyal na maaaring magamit na mapagsasalinan ng mga nabuo na salita, simbolo, at ilustrasyon ng isang tao/mga tao, sa layuning maipahayag ang kanyang/kanilang kaisipan.
  • isang pisikal na aktibiti na may iba’t ibang layunain.
  • maaari rin itong maitawag na mental na aktibidad sapagkat ito ay ehersisyo ng pagsasatitik ng mga ideya.



Sosyo-kognitib na pananaw sa pagsulat


Ang salitang tumutukoy sa lipunan ng mga tao ay tinatawag na Sosyo. Ang kognitib naman ay  tumutukoy sa pag-iisip. Nauugnay rin ito sa mga empirikal o paktwal na kaalaman. 


Ang SOSYO-KOGNITIB na pananaw sa pagsulat ay isang paraan ng pagtingin sa proseso ng pagsulat. Ang pagsulat ay kapwa mental at sosyal.


Ang PAGSULAT ay isa ring komunikasyong interpersonal at intrapersonal. Proseso ito ng pakikupag-usap sa sarili sa pamamagitan ng pagsagot sa mga nabuong tanong tulad ng:


  1. Ano ba ang aking isusulat?
  2. Sa anong paraan ko ito isusulat?
  3. Sino ang magbabasa ng aking isusulat?
  4. Ano ang nais kong maging reaksyon ng mga babasa sa aking isusulat?


Pagsulat bilang multi-dimensyonal na proseso

Anuman ang layunin sa pagsulat, mahalagang maunawaan natin na ang pagsulat ay isang multi-dimensyonal na proseso.


Mayroong dalawang dimensyon sa pagsulat: (1) Oral na Dimensyon, (2) Biswal na Dimensyon


Oral na Dimensyon - Masasabing nakikinig na rin ang indibidwal sa iyo kapag siya ay nagbabasa ng tekstong isinulat dahil ang pagsulat ay isang pakikipag-usap sa mga mambabasa. 


Biswal na Dimensyon - Mahigpit na nauugnay sa mga salita o lenggwaheng ginamit ng awtor sa kanyang teksto na inilalahad ng mga simbolo na nakalimbag.


Kailangan may kaugnay na tuntunin sa pagsulat upang ang mga nakalimbag na simbolo ay maging epektib at makamit ang layunin ng isang manunulat.


Mga yugto ng proseso ng pag-sulat

  • Bago Sumulat (Pre-Writing) - ang unang hakbang sa pagpapaunlad ng paksa. Maaaring gawin nang isahan o pangkat. 
  • Pagsulat ng Burador (Draft Writing) -  ang mga kaisipan, saloobin, at pananaw ay malayang ihinahayag. matapos itong gawin, maaari itong balikan upang maayos at malinaw ang ginagawang paglalahad.
  • Pagrerebisa - pagbabago at muling pagsulat bilang tugon mula sa mga nagsuri. dapat ang mga ideya at ang nilalaman ay mas malinaw para matiyak ang kawastuhan ng teksto na madaling mauunawaan ng mambabasa.
  • Pag-eedit - pagwawasto sa ispeling, gramatika, estruktura ng pangungusap, wastong gamit ng salita at ang mekaniks. sa prosesong ito, dapat matiyak na ang bawat salita ay naghahatid ng tamang kahulugan. 
  • Paglalathala - pakikibahagi ng nabuong teksto sa mga napili na mambabasa.


Proseso ng Pagsulat


Prewriting


Nakapaloob sa proseso na ito ang lahat ng pagkuha ng impormasyon, pagbuo ng mga ideya, pagtukoy ng istratehiya ng pagsulat, pagpaplano ng mga aktibiti, at pagsasaayos ng mga materyales bago sumulat ng burador.


Halimbawa ng mga pre-writing activities:

  • Dyornal
  • Brainstorming
  • Pagbabasa at Pananaliksik
  • Interbyu
  • Sarbey
  • Obserbasyon
  • Imersyon
  • Eksperimento
  • Questioning


Ang Unang Burador/Writing Stage

Ang mga ideya ay kailangang maisalin sa preliminari na bersyon ng iyong dokumento. Maaaring mairebays nang paulit-ulit depende kung gaano mo ito kinakailangan.  Dapat sundin ang iyong balangkas nang bawat seksyon. 


Importanteng hindi mawala ang momentum sa pagsulat sa prosesong ito. Pagtuunan ng pansin ang pagpili ng mga salita, istraktura ng pangungusap, ispeling at pagbabantas matapos maisulat ang unang burador.


Revising


Proseso ito ng pagbabasang muli sa burador para sa layinin mahubog at mapabuti ang dolumento. Ang isang manunulat ay sinusuri ang sa palagay niya’y kailangan para sa pagpapabuti ng dokumento.


Editing


Ito ang pinakahuling yugto sa proseso ng pagsulat bago ang pinal na dokumento. Dito naiwawasto ang mga posibleng mali sa pagpili ng mga salita, gramatika, pagbabantas, at gamit.


Bakit ba tayo nagsusulat? 

✔️ Bilang mag-aaral

        ginagawa ang pagsusulat bilamg pangangailangan sa paaralan upang makapasa. 

✔️ Bilang manunulat.

        maaari ang pagsulat ay pinagmulan ng kanyang ikabubuhay. o kaya ito ay kanilang libangan. ang iba ay nagnanais na magpalawak ng ating kaalaman. 

✔️ Sa pang-araw-araw nating pamumuhay.

        may ilang ginagawa tayo sa ating buhay na mas mabisang naipapahayag ang saloobin sa paraang pagsulat. katulad na lang ng pakikipagugnayan sa mga kaibigan o mga taong nasa malalayong lugar.


Ang pagsulat ay isang kakayahan at makrong kasanayan na dapat malinang sa isang indibidwal. Sa pagsulat, hindi tayo makapagpapanggap. Tayo ay natututo dahil nabibigyan tayo ng pagkakataon na maging totoo at mapunan ang puwang sa ating pagkatao. 


Mga layunin sa pagsulat 


Pagsulat 

  • Personal na gawain - ginagamit para sa layuning ekspresib o pagpapahayag ng saloobin o nadarama.
  • Sosyal na gawain - ginagamit para sa layuning panlipunan. ang layuning ito ay tinatwag na transaksyunal.


Tatlong layunin sa pagsulat

  1. Impormatib - o tinatawag na expository writing sa ingles. naghahangad ito na magbigay impormasyon at mga paliwanag. ang mismong paksa na tinatalakay sa teksto ang pokus nito. halimbawa: report ng obserbasyon, mga istatistiks, balita, at teknikal o bisnes report
  2. Mapanghikayat - kilala sa tawag na persuasive writing sa ingles. layunin na makumbinsi ang mambabasa tungkol sa isang opinyon, paniniwala, at katwiran. ang pangunahing pokus ay ang mambabasa.

         halimbawa: sanaysay, talumpati,         editoryal, proposal, konseptong papel

  1. Malikhain - mga akdang pampanitikan tulad ng nobela, tula, maikling katha, dula, at iba pang masining na akda.
  2. Pansariling Pagpapahayag - pagtatala ng mga bagay na nakita, narinig, naranasan, o nabasa. halimbawa: dyornal, plano ng bahay, mapa at iba pa.

Comments

Popular Posts