Batayang Kaalaman sa Pagbasa



Ano ba ang depinisyon ng PAGBASA?
  • Ang pagbasa ay pagkuha at pagkilala ng mga ideya at kaisipan sa mga sagisag na nakalimbag upang mabigkas nang
    pasalita.
  • Ito ay isang kompleks na kasanayan na nangangailangan ng koordinasyon ng iba't iba at magkakaugnay na pinagmumulan ng impormasyon.
  • "Paraan din ito ng bahagi ng pagkikilala, pagpapakahulugan at pagtataya sa mga simbulong nakalimbag” – Austero :1999
MGA TEKNIK NG PAGBASA

Ayon kay Badayos, may mga teknik sa pagbasa na dapat isaalang-alang:
  1. Iskaning - Mabilis na teknik ito ng pagbasa na ang pokus ng mambabasa ay makuha lamang ang mga espesipikong impormasyon.
  2. Iskiming - Gaya ng iskaning, ang iskiming ay mabilis na teknik din ng pagbasa, subalit pangkalahatang impormasyon naman ang ating hinahanap.
  3. Kaswal - Ang teknik na ito ay itinatayang pang-ubos oras lamang ng pagbasa. Sa madaling sabi, wala kang tiyak na layunin at intensiyon.
  4. Kritikal - pagsusuri at pagsasala ng mga impormasyong iyong natatanggap. Ikaw ay lumilikha ng sarili mong pamantayan upang paniwalaan o hindi paniwalaan ang isang materyalna nabasa mo.
  5. Komprehensibo - Matiim na pagbasa ang teknik na ito. Iniisa isa ang bawat detalye, walang pinalalampas sapagkat maituturing na isang kawalan.
  6. Pribyuwing - Ang mambabasa ay tanging kinukuha lamang ang ang lahat ng mahahalagang impormasyon ng isang babasahin.
  7. Replektib - Maisasabuhay ng mambabasa ang kanyang binabasa at nauunawaan niya ito nang lubos. 
  8. Muling - Basa - Sa Ingles ay, re-reading at tumutulong sa mga mambabasa na maging pamilyar sa mga detalye ng binabasa tungo sa lubos na pag-unawa.
  9. Pagtatala - Notetaking naman ito kung tawagin sa Ingles. Ito ay nagbibigay empasis o haylayt ang iyong binabasa.


Comments

Popular Posts